Pages

Tuesday, June 9, 2015

ONE PERFECT LOVE: MY DECEITFUL HEART (TO BE PUBLISHED SOON)

“There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.” 1 John 4:18
Saan ba hahanapin ang One True Love? May formula kayang dapat gamitin para makilala at mahanap mo siya? Kailangan pa bang umakyat ng pitong bundok at lumangoy ng sampung dagat para lang makita siya?
Paano kung ang One True Love mo ay mayroon nang ibang minamahal? Paano kung hindi talaga umuubra ang lahat ng antics mo para mabihag ang puso niya? Will you still run after him or simply walk away?
How will you know that he is Mister Right? What if you realized that he is Mister Wrong? Will you still compromise? Will you still fall for him?
Hanggang kailan ka ba dapat masaktan o mabigo bago ka maniniwala na walang forever?

Wednesday, April 22, 2015

ONE PERFECT LOVE: MY HEART'S DESIRE

“There is no fear in love. But perfect love drives out fear,
because fear has to do with punishment.
The one who fears is not made perfect in love.” 1 John 4:18

Lahat tayo ay may one true love. Iyong taong kahit bumaliktad pa ang mundo at kahit gamitan pa ng sandamakmak na super powers ay hindi pa rin nakakalimutan iyong puso. Iyong taong kahit pangalan pa lang niya ang iyong marinig ay kumakabog na ang puso mo at tumo-throwback na ang iyong feelings.

Yes, that one true love.

Pero paano kung ang one true love mo ay nangakong hinding-hindi siya mahuhulog sa’yo? Paano kung pati ikaw nangako rin na hindi mo siya mamahalin dahil hindi siya ang ideal Lifetime Partner mo?
What if you realized that he’s your perfect match? Will you break your promise? Will you still fall for him?

Tuesday, April 14, 2015

BEST LOVE EVER




Paano kung ang taong inakala mong God’s will ay hindi pala para sa’yo? Paano kung sa kabila ng blessings ng elders ninyo ay nagawa pa rin niyang wasakin ang puso mo?


Paano kung ang inilaan pala ni God ay isang taong unexpected mong makilala? Paano kung sa simula ay hindi kayo magkasundo at wala talagang pag-asang magkakatuluyan kayong dalawa?


But God works in mysterious ways. No one can comprehend His will.And once He starts writing a love story, He will make a way for it to have a happy ending. After all, God is the best writer of real love stories.

Wednesday, November 19, 2014

HELLO THERE, MY MISTER ANSWERED PRAYER

“Ilang beses ko bang dapat sabihin sa’yo na mahal kita upang maniwala ka? Ilang beses ba kitang dapat ipaglaban for you to hold on?” 

Hero material. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Sophia nang makita niya si Alejandro. Katabi pa niya ito sa romance writing workshop kung saan participants silang dalawa. Hindi lang iyon. Naging partner din niya ito sa isang gothic inspired romance story bilang unang project nila sa workshop na iyon. 

Before she knew it, she fell in love with him. Ngunit may isang babaeng naging bahagi ng nakaraan nito ang nakatakdang sumira sa pagmamahalan nila. Patuloy ba siyang magtitiwala sa pag-ibig nito o hayaan na lang itong lumigaya sa piling ng dati nitong kasintahan?

PUBLISHED BY: Viva Starmometer

Tuesday, August 5, 2014

RIGHT NEXT TO ME

“The next time I kiss you, sweetheart, I’ll make sure it’s my name you will whisper and no other…”    

Gusto ni Jhoy na maging bitter. May karapatan siyang maging bitter dahil natuklasan niyang siya pala ang third party sa isang relationship. Siya pala ang kontrabida.
All along she thought she was the perfect heroine and Piccard Bayer was the perfect hero. 

Ngunit kung kailan naman siya nagpapaka-bitter ay saka naman dumating sa buhay niya si Blair. Hindi niya ito hinanap. Hindi niya hiniling na may katulad nito na dumating sa buhay niya. Dalang-dala na siya sa mga lalaki. Ayaw pa niyang mag-move on. Naniniwala siyang hindi naman lahat ng brokenhearted ay gustong mag-move on agad agad. 


Ngunit bakit tila pursigido itong burahin si Pick sa puso niya? Bakit sa halip na layuan niya ito ay tila may sariling isip ang mga paa niya na lumapit pa rito?

Ayaw niyang mahulog rito. Ayaw niyang mamiligro na naman ang puso niya. Sinabi nito na hindi ito naniniwala sa pag-ibig. He warned her not to fall for him because he has no plan to catch anyone.
Kaya ba niyang baguhin ang isip nito?

Tuesday, May 13, 2014

STUCK ON YOU 2

“I can give you the one thing I cherish the most. My heart...”

Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang taong tunay na magpapasaya sa'yo. Minsan mo lang matatagpuan ang isang pag-big na wagas. At minsan mo lang makikilala ang taong handang tanggapin ang lahat ng ikaw.

Pero paano kung dumating na siya at hindi ka pa handa? Susugal ka na ba o susuko ka na lang? Pakakawalan mo na lang ba o tatanggapin mo na?

Paano kung natatakot ka lang palang aminin na mahal mo na siya? Bibitiw ka na lang ba o ipaglalaban mo ang pag-ibig mo para sa kanya?

Paano kung kailan handa ka nang aminin na mahal mo siya ay may mahal na pala siyang iba? Paano kung gusto ka pala niyang ipaglaban pero pag-aari ka na rin ng iba? 

Alin ba ang pipiliin mo? Ang kasalukuyan na labis na nagmamahal sa’yo o ang nakaraan na hindi mo kayang i-let go?

*PUBLISHED BY LIFEBOOKS*

Wednesday, April 23, 2014

STUCK ON YOU 1

 “Gusto mo bang malaman kung ano ang totoong halik? Are you prepared to find out?”


Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang taong tunay na magpapasaya sa'yo. Minsan mo lang matatagpuan ang isang pag-big na wagas. At minsan mo lang makikilala ang taong handang tanggapin ang lahat ng ikaw.

Pero paano kung dumating na siya at hindi ka pa handa? Susugal ka na ba o susuko ka na lang? Pakakawalan mo na lang ba o tatanggapin mo na?

Paano kung natatakot ka lang palang aminin na mahal mo na siya? Bibitiw ka na lang ba o ipaglalaban mo ang pag-ibig mo para sa kanya?

Iyon ang dilemma ni Ella nang makilala niya si Chase. She was not looking for him ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at ipinagtagpo sila sa maling pagkakataon. She thought he was a highland monster while he on the other hand was convinced that she was a spy. 


But in reality, she was just a lost damsel in distress and he was the highland warrior who saved her.

**Published by Lifebooks. 2014*
Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu