Pages

LIFEBOOKS - ONE SHOT AT LOVE

***TO BE PUBLISHED***


“Sometimes, we search for love in all the wrong places and fail to notice the ones meant for us na matagal na palang dumating. Hindi lang natin nakikita dahil masyado tayong abala sa pagmamalimos ng pag-ibig mula sa mga taong walang kakayahang magmahal.”




Isang kalamidad ang naging dahilan upang muling magkuros ang landas nina Marga and Damon. Hindi niya inaasahang ang lalaking nang-akusa sa kanya na stalker nito noon ay siyang makakasama niya sa rescue operation na iyon.

Ang masaklap pa doon ay nagpapanggap lang siyang isang lalaki upang makasali siya sa delegates na ipinadala ng pamahalaan nila. Mahigpit kasing ipinagbilin ng head nila na pawang mga lalaki lang ang kasama sa rescue and retrieval operation na iyon dahil delikado para sa mga kababaihan na sumama doon. Kaso kabilang sa delegates ang ultimate secret love niyang si Carlo kaya ginawa niya ang lahat para lang makasama niya ito. To the point of pretending to be one of the guys.

Pero paano kung madiskubre ni Damon ang totoong pagkatao niya? Ipapahiya kaya siya nito o tutulungan siya nitong panindigan ang pagpapangggap niya bilang isang lalaki?



No comments:

Post a Comment

Drop Down MenusCSS Drop Down MenuPure CSS Dropdown Menu