Sabi nila minsan lang darating sa buhay mo ang taong tunay na magpapasaya sa'yo. Minsan mo lang matatagpuan ang isang pag-big na wagas. At minsan mo lang makikilala ang taong handang tanggapin ang lahat ng ikaw.
Pero paano kung dumating na siya at hindi ka pa handa? Susugal ka na ba o susuko ka na lang? Pakakawalan mo na lang ba o tatanggapin mo na?
Paano kung natatakot ka lang palang aminin na mahal mo na siya? Bibitiw ka na lang ba o ipaglalaban mo ang pag-ibig mo para sa kanya?
Iyon ang dilemma ni Ella nang makilala niya si Chase. She was not looking for him ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana at ipinagtagpo sila sa maling pagkakataon. She thought he was a highland monster while he on the other hand was convinced that she was a spy.
But in reality, she was just a lost damsel in distress and he was the highland warrior who saved her.
**Published by Lifebooks. 2014*
**Published by Lifebooks. 2014*
No comments:
Post a Comment