“Ilang beses ko bang dapat sabihin sa’yo na mahal kita upang maniwala ka? Ilang beses ba kitang dapat ipaglaban for you to hold on?”
Hero material. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Sophia nang makita niya si Alejandro. Katabi pa niya ito sa romance writing workshop kung saan participants silang dalawa. Hindi lang iyon. Naging partner din niya ito sa isang gothic inspired romance story bilang unang project nila sa workshop na iyon.
Before she knew it, she fell in love with him. Ngunit may isang babaeng naging bahagi ng nakaraan nito ang nakatakdang sumira sa pagmamahalan nila. Patuloy ba siyang magtitiwala sa pag-ibig nito o hayaan na lang itong lumigaya sa piling ng dati nitong kasintahan?
______________
by the way, this book is under Viva Starmometer ;)
No comments:
Post a Comment