"May isang tulad mo pala na inilaan ng Diyos para sa akin. He made you exactly the way you are because of me."
Hindi ang tipo ni Kristoff ang pinangarap ni Toni na maging hero sa buhay niya. Masyadong rugged at mayabang ito para sa panlasa niya. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat niya nang malamang ito ang ipinadala sa kanilang simbahan para maging guitar instructor ng music workshop kung saan siya ang coordinator. Sinusubukan ba ng Diyos ang pasensiya niya kaya si Kristoff ang ipinadala roon upang makasama niya sa proyektong iyon?
Ngunit habang tumatagal na nakikilala niya ito, napagtanto niyang hindi naman pala talaga ito masamang tao. He could be sweet when he wanted to. Ang balak niyang pag-iwas dito ay hindi natuloy. Iba ang sinasabi ng kanyang puso at wala siyang magawa kundi pakinggan iyon.
Ngunit paano kung ang lahat ng iyon ay pakitang-tao lang pala? Paano niya uutusan ang kanyang puso na kalimutan ito kung hulog na hulog na iyon dito?
No comments:
Post a Comment